Connect with us

Suplay ng gamot at medical supplies sa PNP, sapat kontra Covid-19

Sapat ang suplay ng gamot at medical supplies sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

National News

Suplay ng gamot at medical supplies sa PNP, sapat kontra Covid-19

Sapat ang suplay ng gamot at medical supplies sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ito ang tiniyak ni PNP deputy chief for administration at Administrative Support to COVID-19 Task Force commander Police Lieutenant General Joselito Vera Cruz.

Ayon kay Vera Cruz, ang PNP Health Service ang siyang nakatutok at nagsasagawa ng mga imbentaryo sa kanilang mga pangangailan nila ngayong COVID-19 pandemic.

Maliban dito, sapat din aniya ang suplay nila ng oxygen tanks para mga ginagamot na PNP personnel.

Sa huling tala, umabot na sa 36,715 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa PNP, 34,015 ang mga gumaling, 108 ang mga nasawi at 2,592 ang aktibong kaso.

More in National News

Latest News

To Top