Connect with us

Suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa, hindi apektado ng clinical trials

Nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST) na hindi maaapektuhan ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas ng isinasagawang clinical trials sa bansa.

COVID-19 UPDATES

Suplay ng COVID-19 vaccines sa bansa, hindi apektado ng clinical trials

Nilinaw ng Department of Science and Technology (DOST) na hindi maaapektuhan ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa Pilipinas ng isinasagawang clinical trials sa bansa.

Ito ay sa gitna ng ulat na nagkakaroon ng global scarcity o kakulangan ng suplay ngayon sa coronavirus vaccines.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevara, sa clinical trials, phase 2 at phase 3 vaccines ang ginagamit kagaya ng sa Solidarity Vaccine Trial o iba pang privately funded trials.

Sabi pa ni Guevara, ang mga bakunang ginagamit sa naturang trials ay hindi ito ginagamit sa national vaccination program dahil hindi pa pumasa ang mga ito sa phase 3 o iyong tinatawag na satisfactory results.

Saka lamang aniya maaaring maisama ang isang bakuna sa opsyon ng mga bansa tulad ng pilipinas sa kanilang deployment para sa vaccination programs, kapag pumasa na ito sa phase 3 o satisfactory result.

Kung kaya, giit ni Guevara, hindi talaga aniya makaaapekto sa global scarcity ng vaccine supply ang ginagawang clinical trials.

Sa kasalukuyan, mayroong apat na Food and Drug Administration (FDA) approved clinical trials sa Pilipinas.

Habang mayroon namang pitong bagong vaccine clinical trial application na nasa iba’t-ibang stages ng review ng Vaccine Expert Panel (VEP) ng Single Joint Research Ethics Review Board (SJREB) at ng FDA.

Samantala, inihayag ng DOST na ang pagsisimula ng mga clinical trial ay nakabase sa kanilang pagkukuha at pagbibigay ng mga FDA, Single Joint Research Ethics Review Board,at Vaccine Expert Panel (VEP) ng mga permiso na mag-uumpisa na sila.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top