Connect with us

Suplay ng bigas sa mga biktima ng Taal Volcano eruption, sapat – NFA

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) ang sapat na suplay ng bigas sa mga lugar na naapektuhan ng ashfall bunsod ng pagputok ng Bulkang Taal.

National News

Sinabi ni NFA Administrator Judy Dansal na naka-activate na ang kanilang operation centers sa central at field offices mula pa noong Linggo at dalawampu’t apat na oras itong bukas.

Handa rin aniya ang kanilang mga empleyado na umalalay sa mga lokal na pamahalaan, DSWD at iba pang relief agencies maging sa mga evacuee.

Pagtitiyak pa ng NFA na ligtas kainin ng tao ang government rice dahil nakatago ito nang maayos sa mga warehouse na hindi apektado ng ashfall.

More in National News

Latest News

To Top