Connect with us

Suplay ng bakuna sa bansa, inaasahang magiging normal sa Hunyo 14

Inaasahang magiging normal ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa sa Hunyo 14.

National News

Suplay ng bakuna sa bansa, inaasahang magiging normal sa Hunyo 14

Inaasahang magiging normal ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa sa Hunyo 14.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, mahigit 11 milyong doses ng COVID-19 ang inaasahang darating sa Pilipinas ngayong buwan.

Tiniyak din ni Galvez na nagpapatuloy ang pamamahagi ng vaccine doses mula sa 1 milyong doses ng Sinovac vaccine na dumating kamakailan.

Sinabi ng vaccine czar na makakatanggap ngayong araw ng alokasyon ang mga Local Government Units (LGUs) gaya ng Mandaluyong, Marikina at Antipolo.

Hanggang Hunyo 7, sinabi ng NTF na 6.4 milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang nagamit sa bansa kung saan 1.6 milyong indibidwal na ang fully vaccinated.

Ayon kay Department of Health (DOH) Director IV Napoleon Arevalo, nasa 6.3 milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa nasabing bilang, 4.6 milyong doses aniya ang itinurok bilang first dose at 1.6 milyong doses ang itinurok bilang second dose.

Sa bilang ng mga fully vaccinated, higit 800,000 dito ay medical frontliners, 415,000 ay senior citizens, 370,000 ay persons with comorbidities at 6,000 ay economic frontliners.

More in National News

Latest News

To Top