Connect with us

Suplay ng bakuna sa bansa, babalik na sa normal sa mga susunod na araw

Suplay ng bakuna, babalik sa normal sa mga susunod na araw

National News

Suplay ng bakuna sa bansa, babalik na sa normal sa mga susunod na araw

Babalik na sa normal ang suplay ng bakuna sa bansa ngayon Hunyo katorse dahil sa pagdating ng mga karagdagang doses ng COVID-19 vaccine.

Open Photo

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. tinatayang nasa 4.2M doses ng COVID-19 vaccine ang darating ngayong Hunyo 11.

Open Photo

Dahil dito ay maaari nang umarangkada ang mga ilang Local Government Unit (LGU) sa pagbabakuna sa mga A4 priority group.

Open Photo

Giit ni Galvez na ang dumating na bakuna ngayong araw ay hindi na  dadalhin sa main storage facility kundi ididiretso na ito sa mga lokal na pamahalaan.

Bibigyan naman ng prayoridad sa vaccine distribution ang mga lugar sa Mindanao na may mataas na kaso ng COVID-19 tulad ng sa Zamboanga at ilang lugar sa Visayas.

Sa kasalukuyan nasa 6.4M doses na ang naipamahagi na bakuna sa buong bansa kung saan pumapalo sa 218,000 kada Linggo ang nababakunahan.

Samantala, dumating na kaninang umaga ang panibagong batch ng 1M COVID-19 vaccine mula sa Sinovac biotech.

Lumapag  ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 lulan ng Cebu Pacific Flight mula Beijing dakong alas 7:16 ng umaga.

Ito ay pang-sampu ng bugso ng Sinovac vaccine kabilang ang dalawang bugso na binigay ng libre ng Chinese government.

Sa ngayon, aabot na sa 10.3M doses na Sinovac COVID-19 vaccine ang nakarating na sa bansa.

Kabilang sa mga sumalubong sa nasabing bakuna ay sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Secretary Vince Dizon.

Inaasahan namang dumating ngayong gabi sa bansa ang mahigit 2.2M Pfizer COVID-19 vaccine mula sa Covax facility.

Matatandaang, inamyendahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) ng Pfizer at maaari na itong gamitin para sa mga batang may edad 12-15 years old ang Pfizer COVID-19 vaccine.

Base sa World Health Organization (WHO), dapat unahin ang A1-A13 priority group sa bakunahan ng Pfizer mula sa COVAX facility.

Matatandaang, nagpahayag din si Pangulong Rodrigo Duterte na ito ay dapat ibigay sa mga indigenous person.

Samantala, inihayag ni Galvez na ang mga bakuna mula sa COVAX facility ay ibibigay sa mga probinsya na mayroong pang maraming indibidwal na nasa ilalim ng A1 hanggang A3 na hindi pa nababakunahan.

 

More in National News

Latest News

To Top