Connect with us

Suplay ng bakuna, maaring maantala dahil sa pamumulitika

Pinangangambahan ni Senator Christopher "Bong" Go na dahil sa pamumulitika sa COVID-19 vaccine ay maari itong magpadelay sa mga susunod na bakuna na darating sa bansa mula sa Covax Facility.

National News

Suplay ng bakuna, maaring maantala dahil sa pamumulitika

Pinangangambahan ni Senator Christopher “Bong” Go na dahil sa pamumulitika sa COVID-19 vaccine ay maari itong magpadelay sa mga susunod na bakuna na darating sa bansa mula sa Covax Facility.

Una kasi nito ay nagbabala ang World Health Organization na posibleng ma-jeopardize ang pagdating ng mga bakuna sa Pilipinas dahil sa pamumulitika ng ilang mga taong-gobyerno.

Iginiit ni Go na hindi na kakayanin pa ng bansa na magkaroon ng mga delay sa pagdating ng mga bakuna at inoculation program dahil long overdue na ito.

No description available.

Dapat aniyang sumunod ang mga opisyal sa alituntunin o guidelines para hindi pagkaitan ng donasyong bakuna ang bansa.

Batay kasi sa guidelines ng WHO ay mga medical frontliners at vulnerable sector ang dapat mauna sa bakunahan.

Matatandaan na isa sa mga napuna ay ang pagbabakuna ni Quezon Representative Helen Tan na may doktor na anak na nagtratrabaho sa Veterans Memorial Medical Center.

Una namang nagpaliwanag si Tan na isa siyang doktor by profession at kwalipilado din aniya siyang mabigyan ng bakuna.

Napag alaman naman  na maliban sa 487,200 doses ng Astrazenca na dumating kagabi  nangako din ang WHO na magbibigay pa ito ng 5.9 million doses ng  AstraZeneca.

Habang 117 000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer ang inaasahang ibibigay ng Covax Facility sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top