Connect with us

Starting pay ng mga government nurse, pinadodoble ng isang mambabatas

Pinadodoble ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor ang starting pay ng mga government nurse sa bansa.

National News

Starting pay ng mga government nurse, pinadodoble ng isang mambabatas

Pinadodoble ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor ang starting pay ng mga government nurse sa bansa.

Ito ay sa harap narin ng patuloy na pag-alis ng Pinoy health workers patungong ibang bansa dahil sa konting benepisyo na nakukuha dito sa Pilipinas.

Sa ngayon kasi ay mahigit lamang sa P32, 000 ang entry pay ng mga nurse sa mga Department of Health (DOH) accredited hospitals- mababa para tumbasan ang pagod at panganib na kakaharapin ng mga ito sa trabaho.

Sakop naman ng House Bill 7933 ni Defensor, na pataasin mula sa Salary Grade 15 papuntang Salary Grade 21 ang entry-level pay sa mga government nurses o katumbas ng P60,901.

Kung ikukumpara sa ibang bansa, malayo pa aniya ang panukala niya sa tig ₱80,000 na buwanang sahod ng mga nurse sa Middle East.

Umaasa naman ang mambabatas na sa pamamagitan ng kaniyang panukala, maiiwasan ang pagkaubos ng mga health worker sa bansa.

More in National News

Latest News

To Top