Hindi inasahan ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo na makatatanggap ito ng suporta matapos ang kanyang sponsorship withdrawal sa ABS-CBN franchise.

Sponsorship withdrawal sa ABS-CBN, maituturing na political suicide

National News

Hindi inasahan ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo na makatatanggap ito ng suporta matapos ang kanyang sponsorship withdrawal sa ABS-CBN franchise.

Taliwas ani Salo ito sa kaniyang naisip ng magiging reaksyon ng publiko.

Ito ang ibinahagi ng mambabatas sa naging panayam ng smni news.

Ayon kay Cong. Ron Salo, “Overwhelming po yung support at pasasalamat, praises, pagpupuri doon po sa ginawa natin. So, there’s any indication, i supposed nakumbinsi po yung mga tao na talagang yung mga violations, mayroon talagang naganap na violations. At the same time, kailangan po talaga itong solusyunan”.

Batid pa ni Salo na isang political suicide ang kaniyang ginawa at maaring ito na ang kaniyang huling termino sa panunungkulan.

Dahil aniya, maaring putaktihin siya ng mga supporter ng ABS-CBN sa kaniyang ginawa.

“Marami naman po talagang nagmamahal po sa kanila. Kaya inihanda ko na yung sarili ko. Sabi ko , ito na po siguro at the end of the day, kapag nag-declare po tayo ng pag-withdraw po natin dito sa sa bill na nag-ga-grant po sa kanila ng bagong prangkisa, most likely ito na yung end of career”, saad ng mambabatas.

Matatandaan na isa si Cong. Salo ang nag-atras sa kanyang  sponsorship withdrawal sa ABS-CBN ngayong linggo sa bagong prangkisa ng ABS-CBN kasundo ng nalantad na mga violation ng giant network.