Connect with us

Speaker Cayetano, dapat tanggalin bilang pinuno ng Kamara – Atty. Gadon

National News

Speaker Cayetano, dapat tanggalin bilang pinuno ng Kamara – Atty. Gadon

Dapat nang tanggaling bilang pinuno ng Kamara si House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ang naging pahayag ni Atty. Larry Gadon dahil sa planong pagbibigay ng provisional franchise sa ABS-CBN ng Kamara.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Gadon na wala sa Saligang-Batas ang pagbibigay ng provisional franchise sa isang media entity.

Dagdag pa ni Gadon, hindi maitama ni Cayetano ang pag-guide sa Kongreso; kaya dapat na siyang palitan bilang lider ng mababang kapulungan.

“Ako openly sinasabi ko na dapat nang palitan as Speaker si Speaker Alan Cayetano. Hindi niya maitama ang pag-guide sa Kongreso,” pahayag ni Gadon.

Samantala, sinabi naman ni Gadon na naghahanda na ito sa kanyang petisyon sa Korte Suprema sakaling maisabatas ang provisional franchise ng ABS-CBN.

Aniya, nakakahiya ang bansa kung patuloy na susuway ito sa batas dahil sa isang pribadong kumpanya na humihingi ng pabor.

“Ang iniisip ko, kahiya-hiya naman tayong Pilipinas; kapag ganyan na lahat na lang sinusuway natin. Dahil lamang humihingi ng pabor isang pribado kumpanya na napakaraming pera,” saad ni Gadon.

Samantala, naniniwala naman si Gadon na hindi papayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na lumusot ito sa kanyang kamay kung mayroong paglabag sa batas na ginawa ang Kongreso.

“Si Presidente Duterte kasi, mahigpit sa pagpapatupad ng batas yan,” dagdag pa ni Gadon.

More in National News

To Top