Connect with us

Pagsibak kay B/Gen. Bathan sa SPD, isang promosyon – PNP

Nolasco Bathan

Metro News

Pagsibak kay B/Gen. Bathan sa SPD, isang promosyon – PNP

Binigyan ng promosyon si Police Brigadier General Nolasco Bathan ayon sa Philippine National Police.

Ito ay matapos lumabas ang ulat na inalis sa Southern Police District ang opisyal dahil sa kabiguan sa kampanya kontra iligal na sugal.

Sa kautusan na pirmado ni Police Major General Cesar Hawthorne Binag, Chief of Directorial Staff ng PNP, epektibo kahapon ang bagong posisyon ni BGen. Bathan bilang Deputy Regional Director for Operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

PNP General Order

Pinalitan ni Bathan si Police Brigadier General Albert Ferro na bagong Regional Director ng Police Regional Office 7.

Bago nito, si Bathan ang District Director ng Southern Police District (SPD) at nagsilbi ring Deputy Regional Director for Administration ng PRO 11.

Si Police Colonel Emmanuel Peralta ang magsisilbing Acting District Director ng SPD.

Samantala, itinalaga naman bilang Acting Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office si Police Colonel Lawrence Cajipe matapos masibak sa pwesto si Police Colonel Emma Libunao.

Kahapon, sinimulan ang pagsibak sa pwesto ng ilan pang matataas na opisyal ng PNP kabilang sina PRO 7 Police Regional Director Brigadier Gen. Valeriano De Leon, at Police Col. Gil Francis Tria, Deputy Director for Operations of Highway Patrol Group.

More in Metro News

To Top