Connect with us

SP Sotto, pinasalamatan ang papuri ni Pang. Duterte

Inamin ni Senate President Tito Sotto III na nasorpresa ito sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na capable itong maging vice president ng bansa.

Metro News

SP Sotto, pinasalamatan ang papuri ni Pang. Duterte

Inamin ni Senate President Tito Sotto III na nasorpresa ito sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na capable itong maging vice president ng bansa.

Matatandaan na ang remark ng pangulo kay Sotto ay nasabi nito sa kaniyang huling SONA ng mapunta ang topic ng presidente hinggil sa maari nitong pagtakbo sa vice presidency sa 2022.

Sa pinadalang mensahe ni Sotto, sinabi nitong hindi niya inaasahan ang naging remark ng pangulo at nagpapasalamat aniya ito kay Pang. Duterte.
Pahagag ni Sotto,” I am humbled and Pleasantly surprised. I thank the President.”

Sinabi pa nito na sa kabuuan ay realistic at comprehensive ang naging SONA ni Pangulong Duterte.

Ito ay dahil nabanggit aniya ng pangulo ang lahat ng programa nito at mga panukala na hiniling nito na maipasa nila, bagay na nagawa at naipasa aniya ng Senado.

Kagaya na lamang daw sa Universal Health Care, National I.D., Additional Payment sa mga Healthworkers sa ilalim ng Bayanihan Law, Pagpapataas ng sahod ng mga Uniformed Personnel at ang pinahabang validity ng passport at business licence.

Samantala, una namang sinabi ni Sotto na pagsisikapan nilang maipasa ang iba pang urgent bills ni Pang. Duterte gaya ng Foreign Investment Acts (FIA) at Amendments sa Public Service Act (PSA).

Ito ang mga panukalang batas na itinutulak ng administrasyon para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandemya.

Maliban dito ay sinabi ni Sotto na ang Senado ay patuloy na maglalaan ng pondo sa lahat ng programa ng gobyerno sa paglaban sa COVID.

Nangako din si Sotto na magiging prayoridad sa Senado ang mga panukalang batas para sa mga OFW at Disaster Resilience.

Matatandaan na ang mga nasabing panukalang batas ay ilan sa mga priority measures ng Duterte Admin.

More in Metro News

Latest News

To Top