Connect with us

SP Sotto, nilinaw na hindi pro-opposition ang Lacson-Sotto tandem

Nilinaw ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi pro-administrasyon at pro-opposition ang kanilang tandem ni Senator Ping Lacson

National News

SP Sotto, nilinaw na hindi pro-opposition ang Lacson-Sotto tandem

Nilinaw ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi pro-administrasyon at pro-opposition ang kanilang tandem ni Senator Ping Lacson para sa 2022 presidential elections.

Sa ekslusibong panayam ng Sonshine Radio, iginiit ni Sotto na sila ay Pro-Filipino.

Sinabi din ni Sotto na ang pangunahing plataporma nila ni Lacson ay ang budget reform dahil masyado na aniyang loaded sa national government ang pondo at hindi nakakarating sa mga Lokal na Pamahalaan.

Inihayag din nito na mahalaga sa kanilang plataporma ang  KKK o katapatan, katapangan at kakayahan na nagpapaalala sa pinagmulan ng Pilipinas.

Nakapagdesisyon din aniya silang tatakbo para sa 2022 National Elections nang makita nila na may maibibigay silang alternatibong serbisyo sa bansa .

Sakaling papalarin din aniya sila sa 2022, ipagpapatuloy at pag-iibayuhin din nila ang kasalukuyang programa ng Duterte Administrasyon.

Ang thingking ko ay, yung magandang ginagawa ng administrasyon, pwedeng e-enhance, magandang ipagpatuloy,” ani Sotto.

Inihayag din ni Sen. Sotto na ‘di dapat silang pagbentangan na oposisyon dahil marami na silang naipasang mga priority bill ng adminsitrasyon.

Sinabi rin nito na kayang ihabol ng senado ang government finanancial institution unified initiatives to distressed enterprises for economic recovery bill.

Bukod pa rito, puwede pa ring maihabol ng Senado bago mag-disyembre ang passive income and financial intermediary taxation act.

Sa ngayon, naniniwala si Sen. Sotto na ‘di pa napapanahon ang pagtulak nitong economic Cha-cha kasi kailangan ito ng plebisito na tiyak na masasabay sa 2022 general election.

Samantala, pinangalanan na ni Senate President Tito Sotto ang initial senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem sa 2022 elections.

Kabilang dito ay sina dating Senador JV Ejercito, Sorsogon Governor Chiz Escudero, Sen. Win Gatchalian, Sen. Richard Gordon, DICT Sec. Gringo Honasan, Goyo Larrazabal, House Deputy Speaker Loren Legarda, Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez, Sen. Joel Villanueva at Migz Zubiri.

Ayon kay Sotto, ang mga ito ang may karapatan na bumalik sa senado o makasama sa Senado.

Sinabi ng senate president na tinatalakay pa nila kung sino ang pupuno sa natitirang dalawang slots para sa kanilang senatorial line up.

Posible aniyang maging malinaw ang kanilang line up sa Oktobre.

Sinabi rin ni sotto na nakausap na niya ang bawat isa sa kanilang lineup ngunit hindi pa aniya sumasagot dito si Sen. Gordon.

Dagdag pa ng senador, pagmamahal sa bansa ang isa sa mga rason kung bakit nagdesisyon silang tumakbo ni Senador Ping Lacson.

More in National News

Latest News

To Top