Connect with us

Sotto, naniniwalang papanigan ng SC ang Senado kesa kay Linconn Ong

Naniniwala si Senate President Tito Sotto III na mas papanigan ng Korte Suprema ang Senado kesa kay Linconn Ong.

National News

Sotto, naniniwalang papanigan ng SC ang Senado kesa kay Linconn Ong

Naniniwala si Senate President Tito Sotto III na mas papanigan ng Korte Suprema ang Senado kesa kay Linconn Ong.

Ito ay may kaugnayan sa petisyon na inihain ni Ong sa Korte Suprema na kumukwestyon sa legalidad ng pagcontempt at pagpapakulong sa kaniya ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ayon kay Sotto, sa mga nakaraan ay marami ng pagkakataon na pinanigan sila ng SC hinggil sa naturang usapin.

” Not at all. Many instances before that the SC agreed with us. Same issue.”

Napag-alaman naman mula kay Sotto na ang Senate Legal Councel ang magbibigay ng komento hinggil sa petisyon ni Ong.

Napag-alaman din na sa tagapagsalita ng Korte Suprema, 10 araw ang ibinigay ng SC para makapagpaliwanag ang Senado at ang Senate Blue Ribbon Committee.

Sa petisyon ay kinuwestyon ni Ong ang ginawang pag-contempt at pagpapakulong sa kaniya ng Senate Blue Ribbon Comittee.

Hiniling din ni Ong sa Korte Suprema na mapahinto at mapawalang-bisa ang naging desisyon sa kaniya ng komite na isa umanong paglabag sa Saligang Batas.

Batay aniya sa nakasaad sa Section 21, Article 6 ng Saligang Batas na dapat igalang ang karapatan ng mga taong humaharap sa mga pagdinig ng kongreso.

Nalabag aniya ang kaniyang karapatan para sa due process.

Respondents sa petisyon ni Ong sina Senate President Tito Sotto III, Senate Blue Ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, at Senate Sergeant-at- Arms Rene Samonte.

More in National News

Latest News

To Top