Pang. Duterte, dapat sumailalim muli sa COVID-19 test sakaling magpositibo si Duque

SONA ni Pangulong Duterte, sesentro sa recovery plans at healthcare system sa bansa

National News

Puno ng pagiging positibo at pag-asa ang ika-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na gaya rin aniya ng mga nagdaang ulat sa bayan nito.

Dagdag pa ni Andanar, patuloy na isusulong ng presidente ang proposed measures na magpapalakas ng healthcare system  sa bansa at pag-ibayuhin ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan sa mga vulnerable sector lalo na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Mababatid na isinusulong ng Administrasyong Duterte ang mga resolusyon at panukala tulad ng Malasakit Act at ang Salary Standardization Law bilang ilan sa landmark legislations nito.

Inaasahan din na magiging laman ng penultimate report ng pangulo ang mga measures para muling pasiglahin ang ekonomiya ng bansa na talagang apektado dahil sa pandemya, at ang mga panukala na makakatulong sa mga sektor na naapektuhan ng mga ipinatupad na lockdown restrictions.

Malalaman ng mamamayang Pilipino ang mga konkretong plano ng pangulo para labanan ang COVID-19 at kung paano makaka-recover ang bansa mula sa mga idinulot nitong paghihirap.

Inaasahan ding babanggitin ng chief executive ang 2nd version ng Bayanihan Act, na ani Secretary Andanar, ito ang siyang patuloy na magkakaloob sa gobyerno ng sapat na resources para mabigyan ng ayuda ang mga mahihirap at makakuha ng marami pang health-related equipment.

Inilahad pa ng PCCO chief na hindi lalagpas sa isang oras at 20 minuto ang speech ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-5 SONA.