DEPED kontradiksyon Duterte

SONA ni Pang. Duterte, hudyat na dapat kanselahin ang pagbubukas ng klase sa Agosto

National News

Mariing iginiit ni Ang  Probinsyano Party-list Rep. Ronnie Ong na malinaw na batayan ang 2020 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte upang kanselahin ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto.

Ayon kay Ong, malinaw na binanggit ng Pangulo sa kaniyang SONA na hindi pa handa ang educational system ng bansa dahil sa kakulangan ng digital infrastructure para suportahan ang plano ng Department of Education (DepEd) na ‘blended learning.’

Malinaw din aniya na binanggit ng Pangulo, na hindi dapat isa alang-alang ang buhay ng mga estudyante at mga guro dahil sa pandemya at maaari namang mabawi ang panahon na nawala sa pag-aaral kung wala nang banta ng virus.

Para sa kongresista, malinaw na marching order kay Education Secretary Leonor Briones ang mga pahayag ng Pangulo sa SONA na ipagpaliban ang pagbubukas ng klase at sa halip ay tiyakin muna ng DepED na lahat ng kailangan para sa online learning ay naisa-ayos na.

Una aniyang dapat matiyak ang ang sapat na access sa internet ng lahat ng mga estudyante bago ipatupad ang ‘blended learning’ para lahat ng bata sa buong bansa ay makasabay sa pag-aaral.