anti-terror

Solusyon sa COVID-19 at hindi pag-shut down sa ABS-CBN ang tutukan

National News

Igiit ni Senator Francis Pangilinan wala pa ring kumprehensibong plano ang gobyerno para masugpo ang COVID-19 sa bansa matapos 4 na buwan ang nakalilipas.

Aniya, sa nakalipas na mga araw ay patuloy ang pagtaas ng impeksyon sa bansa at ramdam na ramdam na ng taumbayan ang epekto nito.

Pero bakit ani Pangilinan mas tinututukan ng pamahalaan ang ibang bagay.

Dagdag pa ng senador na hindi dapat ang isyu ng ABS-CBN at Anti-Terror Law ang pagkaabalahan nila.

Sa panahong ito ng pamdemiya aniya mas nararapat na malaman ng publiko ang testing, validation, generation of results, contact tracing, positive cases, recovery rates, isolation areas at quarantine situation sa bansa.

Punto pa ni Pangilinan, hindi na makakayanan ng Pilipinas ang mas marami pang namamatay, nawawalan ng trabaho, at isa pang hard lockdown na muling magpapasara sa ekonomiya ng bansa.