Connect with us

Social distancing at travel restriction, hindi sapat na panlaban kontra Coronavirus-WHO

Social distancing at travel restriction, hindi sapat na panlaban kontra Coronavirus-WHO

COVID-19 UPDATES

Social distancing at travel restriction, hindi sapat na panlaban kontra Coronavirus-WHO

Iginiit ng World Health Organization (WHO) na hindi sapat ang pagpapatupad ng social distacing at travel restriction upang mapigilan ang paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Binigyan diin ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na dapat ay mas bigyang prayoridad ng mga bansa ang pagsasagawa ng testing, isolation at contact tracing.

Aniya, ito ang backbone ng pagtugon sa kasulukuyang pandemic.

Ang pinaka epektibo aniyang paraan upang matuldukan ang pagkalat ng coronavirus at maputol ang chain of transmission at para magawa ito ay kinakailangan ang pag-test at pag-isolate.

Kinakailangan ding malaman ng mga bansang apektado kung hanggang saan na kumakalat ang virus.

Sa pinakahuling datos, nasa higit 199,000 katao na ang infected ng sakit sa buong mundo kung saan kabuuang 7,975 ang nasawi.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top