Connect with us

Skyway stage 3 na magdudugtong sa SLEX at NLEX, bukas na sa publiko

Binukas na sa publiko ngayong araw ang 18-kilometrong haba ng Metro Manila Skyway Stage 3 na elevated runway na magdudugtong sa SLEX at NLEX.

National News

Skyway stage 3 na magdudugtong sa SLEX at NLEX, bukas na sa publiko

Binukas na sa publiko ngayong araw ang 18-kilometrong haba ng Metro Manila Skyway Stage 3 na elevated runway na magdudugtong sa SLEX at NLEX.

Pinangunahan naman ng mga tagapamuno ng SMC Chief Operating Officer Ramon Ang at ni DPWH Sec. Mark Villar ang ginawang partial opening.

Sinabi ni San Miguel Corporation Chief Operating Officer Ramon Ang, layon ng partial opening ng stage 3 ng skyway na maibsan ang mabigat na trapiko sa Metro Manila at ito ay libreng madaraanan ng mga motorista sa loob ng isang buwan.

Ayon kay Ang, sa pagbubukas ng proyekto tinatayang nasa daang libo ng mga sasakyan ang mababawas sa kahabaan ng EDSA.

Image may contain: one or more people, people standing, sky and outdoor

Sa pamamagitan nito, inaasahang mababawasan ang oras ng biyahe mula Buendia hanggang Balintawak ng 15 hanggang 20 minuto mula sa kasalukuyang travel time na dalawang oras.

Nabatid na pitong lane ang ipagagamit sa mga motorista at walang toll fee na sisingilin sa mga ito.

Mahigit sa ₱44 na bilyon ang budget para sa Skyway stage 3 project.

 

More in National News

Latest News

To Top