Connect with us

Sistema ng bansa sa paglaban kontra COVID-19, gumaganda – BBM

Humuhusay na ang sistema ng national government sa pangangasiwa ng nararanasang pandemyang dulot ng COVID 19.

National News

Sistema ng bansa sa paglaban kontra COVID-19, gumaganda – BBM

Humuhusay na ang sistema ng national government sa pangangasiwa ng nararanasang pandemyang dulot ng COVID 19.

Ito ang inihayag ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung saan nasusunod na aniya ng bansa ang tamang procedure para sa pagtugon sa health crisis.

Dagdga pa ni Marcos, kahit tila nahirapan ang bansa bunsod ng iba’t ibang bagong protocols kasabay ng paghihigpit muli sa quarantine status ay malaki at marami naman ding natutunan ang bansa noong nakaraang taon.

Sa isang taon at kalahati na kinakaharap na pandemya, ani Marcos, sa tingin niya ay ginagawa na ng pamahalaan ang mga kailangang gawin.

Kumbinsido naman ang dating senador na kailangan talagang ipatupad ang mahigpit na sistemang ito para mapigilan ang pagkalat pa ng mas nakahahawa at mas delikadong Delta variant.

Kaya kailangan aniya talaga na maging istrikto, maging mahigpit at magpairal muli ng lockdown.

Tiwala si Bongbong na pagkatapos ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) ay bababa na ang kaso ng COVID 19.

Sambit ni Marcos, mahalaga rin na sa panahong ito na maging magtiyaga at magsakripisyo ang bawat isa sa pagsunod sa mga mahigpit patakaran na ipinapatupad ng gobyerno.

Ito’y habang hindi pa lahat ng mga Pilipino ang nababakunahan at habang hindi pa nakakamit ang tinatawag na herd immunity.

Nasa 70 milyong Pilipino ang target ng gobyerno na mabakunahan upang maabot ngayong taon ang herd immunity, na isang paraan upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

More in National News

Latest News

To Top