Bagyong Ambo

Signal no. 2, itinaas na sa Metro Manila dahil sa Bagyong Ambo

National News

Patuloy na nararamdaman ang bagsik ng Bagyong Ambo sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa huling pagtaya ng PAGASA ngayong araw, as of 5:00AM, namataan ang mata ng bagyong ambo sa Claveria, masbate (burias island) na kumikilos ng 15km/h northwest na may maximum sustained winds ng 125km/h malapit gitna nang may pabugsong aabot sa 165 km/h.

Asahan naman ang ayong araw ang katamtaman hanggang malakas na mga pag-ulan sa Bicol Region, Quezon, Aurora, At Marinduque.

Habang bukas naman May 16, makararanas naman ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, at Northern Portion ng Nueva Ecija.

Dahil dito pinapayuhan ang mga nakatira sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat at makig-ugnayan sa Local Disaster Risk Reduction and Management Offices sa posibleng flashflood at landslides.

Bagyong Ambo / 15 May 2020
Signal no. 3, itinaas na sa ilang mga lugar sa Luzon at Visayas; signal no. 2, itinaas na sa Metro Manila dahil sa Bagyong Ambo.

Limang beses na nag-landfall ang Bagyong Ambo.

Unang nag-landfall ito sa San Policarpo, Eastern Samar kahapon bandang 12:15PM, pangalawa naman sa Dalapuri Island sa Northern Samar bandang 10:15PM, 10:30PM naman ang pangatlong landfall nito sa Capul Island sa Northern Samar pa rin. Pang–apat ay sa Ticao Island sa Masbate dakong 12:00AM at kaninang 3:00AM ng madaling araw nag- landfall ang bagyo sa Burias Island.

Sa pagtaya ng PAGASA ang Bagyong Ambo ay kikilos patungong Ragay Gulf bago ito muling magla-landfall sa Bondoc Peninsula sa Southern Quezon ngayong umaga.

Nakataas ang signal no. 3 sa Sorsogon, Albay, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Marinduque, at Southern Portion of Quezon (Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Gumaca, Pitogo, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Calauag, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco). Sa Visayas Naman Ang Western Portion of Northern Samar (San Vicente, Capul, San Antonio, Allen, Victoria, San Isidro, Biri, Lavezares, Rosario, San Jose)

Signal no. 2 naman sa Southern Portion Ng Aurora kabilang ang (Dipaculao, Baler, Maria Aurora, San Luis, Dingalan), Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Rizal, at Nalalabing Bahagi Ng Quezon, And Romblon.

Sa Visayas naman sa Western Portion ng Northern Samar kabilang ang San Vicente, Capul, San Antonio, Allen, Victoria, San Isidro, Biri, Lavezares, Rosario, San Jose.

Habang nakataas naman sa signal no. 1 sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, at Nalalabing Bahagi Ng Romblon.

Habang sa Visayas naman ay nalalabing bahagi ng Northern Samar, Extreme Northern Portion of Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog), the northern portion of Samar), Tarangnan, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose De Buan, Matuguinao), Biliran, the extreme northwestern portion of Leyte (Calubian, San Isidro), the extreme northeastern portion of Capiz (Pilar, Panay, Roxas, Ivisan), and the northeastern portion of Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Batad).