Northern Eastern Samar Ambo

Signal no. 1, itinaas na sa Northern at Eastern Samar dahil sa Tropical Storm Ambo

National News

Itinaas na ng PAGASA sa signal no.1 sa ilang bahagi ng Northern at Eastern Samar dahil sa Tropical Storm Ambo.

Huling namataan ang bagyo as of 4am ngayong araw sa 410 km east of Borongan city, Eastern Samar

Ngayong araw kalat-kalat hanggang mahinang pag-ulan ang mararanasan sa mga lugar ng Eastern Samar.

Bukas naman, Huwebes, ay makakaranas naman ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan ang mga lugar sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon, and Masbate.

Sa Biyernes ay aasahan naman natin ang mga pag-ulan dito sa Metro manila dulot pa rin ng bagyong Ambo.

Samantala, itinaas naman ang tropical wind signal number 1 ang Northern Portion ng Eastern Samar. Kabilang ang mga lugar ng Jipapad, Maslog, Arteche, San Policarpio, Oras, Dolores, Can-Avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City; habang sa eastern portion of Northern Samar kabilang ang Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, Catubig, Las Navas