Connect with us

Side effects ng ipinamahaging gamot, aakuin ng mga organizer ng “Ivermectin pan-three”

Tiniyak ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na aakuin ng mga doktor na nagbigay ng reseta sa naganap na 'Ivermectin pan-three' initiative

National News

Side effects ng ipinamahaging gamot, aakuin ng mga organizer ng “Ivermectin pan-three”

Tiniyak ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor na aakuin ng mga doktor na nagbigay ng reseta sa naganap na ‘Ivermectin pan-three’ initiative ang posibleng hindi magandang epekto ng gamot.

Ito’y matapos mag-trending sa twitter ang keywords na Defensor at Ivermectin sa twitter.

Kwestyon ng netizens, bakit walang pangalan ng doktor ang reseta ginawa sa event?

Ayon kay Defensor, isang araw bago ang Ivermectin initiative ay nagbigay sila ng form sa mga dumalo at tumanggap ng gamot.

Diin nito, pwede nilang panghawakan ang form pati na ang reseta.

“Whats important are the forms submitted to us which they submitted a day before. Pwede na nila hawakan reseta nila. We have the copies,” ani Defensor.

Para naman kay Doctor Raffy Castillo ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH), tiyak ang kapakanan ng mga nabigyan ng gamot sa isinagawang Ivermectin pan-three.

Depensa ni Castillo:

1.Tanging mga doktor lamang na kilala ng organizers ang sumali sa charity medical mission;

2.Lisensyado ang lahat ng dumalong doktor;

3.Makailang beses na inanunsyo ni Congressman Defensor ang pangalan ng mga doktor na nagbigay ng reseta kaya tiyak na kilala ng mga dumalo ang pangalan ng mga doktor;

4.Masusing in-asess ng mga doktor ang bawat isa bago binigyan ng Ivermectin; Ang request din ng mga indibidwal na mabigyan ng gamot ang mga kamag-anak nilang wala sa event ay hindi pinagbigyan;

5.Nasa 3-5 capsules lamang din ang binigay ng mga medical volunteer para bumalik ang mga ito para sa re-evaluation;

6.Nagbigay din ng cellphone number ang ilang doktor bilang assurance sa mga pasyenteng tumanggap.

More in National News

Latest News

To Top