Connect with us

Senior citizens, ‘di na kailangang personal na magtungo sa bangko para kumuha ng pensyon

Inatasan ng Inter- Agency Task Force (IATF) ang mga bangko, financial institutions,at pension-issuing agencies na magkaroon ng alternatibong modes of validation para sa mga senior citizen pensioner kaugnay ng pagkuha ng kanilang pensyon.

National News

Senior citizens, ‘di na kailangang personal na magtungo sa bangko para kumuha ng pensyon

Inatasan ng Inter- Agency Task Force (IATF) ang mga bangko, financial institutions,at pension-issuing agencies na magkaroon ng alternatibong modes of validation para sa mga senior citizen pensioner kaugnay ng pagkuha ng kanilang pensyon.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque ngayong umaga batay sa napagkasunduan ng IATF sa isinagawang pagpupulong kung saan hindi na mandato para sa nakatatandang pensioners na pumunta pa sa pension-issuing agencies.

Ani Roque, dati-rati kasi nirerequire ang personal na pagtungo ng mga ito sa naturang financial institutions.

Ani Roque,”Sa ngayon po kinakailangan magpakita ng personal o magsumite ng mga dokumento ng personal ang mga senior citizen para patuloy nilang ma-access ang kanilang pension.”

Kasunod nito, inatasan ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na mag-isyu ng memorandum circulars sa pagpatutupad ng alternative validation simula Marso 1.

Ang hakbang ay para na rin sa kaligtasan ng mga senior citizen sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.

“Alam naman natin na tayo ngayon ay nasa gitna ng pandemiya at ang mga seniors ay isa sa high-risk at vulnerable sa COVID-19. Para matiyak ang kanilang kalusugan at kaligtasan, inaprubahan ng resolusyon na ito na hindi na sila kinakailangan na magkaroon ng personal appearance sa ma bangko at iba pang institutsyon para makuha lamang ang kanilang mga pensyon,” saad ni Roque.

Maliban dito, inaprubahan din ng IATF ang pag-amyenda sa polisiya kaugnay ng mass gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na nakikita sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines.

Nirebisa rin ng IATF ang nagdaang resolusyon, ang IATF resolution no. 98, kung saan tinanggal ang reckoning period of March 2020 sa visas para sa foreign nationals na pinapayagang makapasok sa Pilipinas.

“Sangayon sa IATF resolution, the following shall be included, added to the list of foreign nationals allowed to the Philippines:

-those with valid and existing visas at the time of entry and who were not permitted to enter the country under previous IATF resolutions, and holders of valid and existing special resident and retiree’s visas and Section 9A visas provided they present an entry exemption document to the Bureau of Immigration upon arrival.

So March 16, 2020 wala na po yung reckoning period na yan,” ang paliwanag ni Roque.

More in National News

Latest News

To Top