Connect with us

Senatorial bid ng NPC sa 2022 elections, pinapangalanan na

Kinumpirma nila Sorsogon Gov. Chiz Escudero at Representative Loren Legarda na magbabalik Senado ang mga ito sa 2022 sa ilalim ng Nationalist People's Coalition (NPC).

National News

Senatorial bid ng NPC sa 2022 elections, pinapangalanan na

Kinumpirma nila Sorsogon Gov. Chiz Escudero at Representative Loren Legarda na magbabalik Senado ang mga ito sa 2022 sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Matatandaan na una ng inanunsyo ni Senate President Tito Sotto III, ang chairman ng NPC, ang plano ng mga ito na makabalik sa Senado.

Sakabila nito ay wala pa namangg mailahad si Escudero kung ano ang magiging advocacy campaign nito at ipinapasa-Diyos ang kaniyang magiging kapalaran sa 2022 elections.

Nang tanungin naman ang senador kung tatakbo ba ito bilang oposisyon ay ito ang sagot ng senador , ” Sa ngayon po ay wala pang nililinyahan yung Nationalist People’s Coalition.”

“Hindi ko alam kung may pag-uusap sila, hindi pa nagmemeting yung NPC kaugnay sa bagay na yan, pero kung anu man ang kanilang magiging pasya, titingnan at papakinggan ko po at depende at siyempre parin yan sa sariling prinsipyo, paninindigan at kung kaya mo – ika nga ang balikatin o sikmurahin sa kabilang banda anu man ang kanilang ipapasya.”

Giit naman ni Escudero, walang magaling na administrasyon sa matinding hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

Samantala, si Rep. Loren Legarda ay agad na ibinida ang nagawa noong naging senador ito sa ilalim ng Aquino at Duterte Admin.

Ayon pa kay Legarda, ang kailangang maluluklok sa pwesto ay ang may dalang solusyon sa problemang pangkalikasan

Saad pa nito na walong batas na makakabuti sa kapaligiran ang naitulak niya noon gaya ng Climate Change Act at Ecowaste Coalition Act.

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto III na maliban sa dalawa ay kasama din sa posible line up nila ay sina  JV Ejercito at Sen. Sherwin Gatchalian.

Sinabi rin nito na eendorso rin ng NPC ang iba pang re-electionist pero hindi nila kapartido ay sina  si Sen. Joel Villanueva, Richard Gordon at maging si Sen. Migz Zubiri.

Ani Sotto, “Pero definitely, yung mga re-electionist, ie-endorse namin yan, sila Migz Zubiri, si Dick Gordon, yung mga re-electionist na kasama, si Joel Villanueva lalo na, eh hindi kami.  Maghihiwa-hiwalay nung mga yun.”

Samantala, ang nakakulong na si Senator Leila De Lima ay nagpahayag na rin ng plano nito para sa 2022.

Aniya “Marami ang nagtatanong sa akin kung sa kabila ng pagyurak na ginawa mo sa akin ay may lakas pa ako ng loob na muling tumakbo bilang Senador sa 2022.

More in National News

Latest News

To Top