Connect with us

Senator Poe, nanawagang isama ang mga PUV drivers sa vaccination program ng bansa

Nanawagan si Senator Grace Poe sa pamahalaan na siguraduhin na ang mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers at iba pang mga manggagawa sa sektor ng transportasyon ay hindi makalilimutan sa vaccination program ng bansa.

National News

Ani Poe, dapat ding hindi kalimutan ang mga PUV drivers at iba pang mangagawa sa sektor ng transportasyon dahil susi ang mga ito sa muling pagbuhay ng ating ekonomiya.

Sinabi din ni Poe na mga manggagawa sa sektor ng transportasyon ay malaki ang kanilang naging tungkulin sa kalagitnaan ng mga lockdown na ipinatupad bunsod ng pandemya.

Giit ni Poe, ang mga driver gaya ng iba pang grupo sa priority list gaya ng senior citizens, teachers, OFWs essential staff, frontine workers, at indigent population ay kailangan din ng proteksyon laban sa virus dahil karamihan sa mga ito ay parating na sa daanan.

Sinimulan na ng bansa ang vaccination program nito ngayong araw kasunod ng pagdating ng nasa 600,000 na doses ng COVID-19 vaccine mula sa China-based na Sinovac.

More in National News

Latest News

To Top