Connect with us

Senator Bong Go, inaming ‘di pa tanggap ang pagkatakbo sa pagkapangulo

Senator Bong Go, inaming di pa tanggap ang pagkatakbo sa pagkapangulo

National News

Senator Bong Go, inaming ‘di pa tanggap ang pagkatakbo sa pagkapangulo

Buong-buo ang pasya ni presidential aspirant Christopher Bong Go na magserbisyo sa mga Pilipino.

Ito ang tiniyak ni Bong Go kasabay ng pag-amin na hanggang sa ngayon ay nagtatalo pa rin ang kanyang isip sa pagtakbo sa pagkapangulo dahil sa biglaang mga desisyon sa kanyang kandidatura.

Gayunpaman, sinabi ni Go na kung may pagbabago man sa kanyang desisyon ay naghihintay nalamang siya sa kalooban ng Diyos at maging sa magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanilang partido.

Pero paglilinaw nito, hindi niya iniisip na umatras sa laban sa pagkapangulo ngayong darating na Mayo.

Samantala, bukod sa utang na loob, hindi ikinaila ni presidential aspirant Senator Bong Go na buo ang kanyang paninindigan sa pagsuporta nito kay Mayor Inday Sara Duterte na tumatakbo sa pagkapangalawang pangulo sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang partido.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top