Connect with us

Senate Blue Ribbon,  humingi ng tulong sa NBI para mahanap si Krizle Mago ng Pharmally

Humingi na ng tulong ang Senate Blue Ribbon sa (NBI) para malocate ang nawawalang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Krizle Mago.

National News

Senate Blue Ribbon,  humingi ng tulong sa NBI para mahanap si Krizle Mago ng Pharmally

Humingi na ng tulong ang Senate Blue Ribbon sa National Bureau of Investigation (NBI) para malocate ang nawawalang opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na si Krizle Mago.

Matatandaan na noong araw ng linggo ng ireport ng Senate Blue Ribbon na hindi na makontak o matawagan si Mago matapos ang pag-amin nito sa pagdinig noong nakaraang Biyernes.

Sa pahayag ni Mago, yupi yupi at expired na ang mga faceshield na naibenta nila sa pamahalaan.

Napag alaman na kasunod ng request ng Senado ay sinimulan na ng DOJ ang paghahahanap kay Mago.

Ayaw nang humarap sa mga senador para sa isang executive session si Pharmally Pharmaceuticals Executive Linconn Ong.

Sa sulat na ipinadala ni Ong sa Senate Blue Ribbon Commitee, tinanggihan nito ang imbitasyon para sa executive session batay sa payo ng kanyang abogado.

Samantala, sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon na nasa safehouse ngayon si Ong at nakatakda pa ring dumalo sa mga susunod na pagdinig ng Senado.

Sa ngayon aniya ay pinag-uusapan pa ng mga miyembro ng Blue Ribbon kung ililipat si Ong sa Pasay City Jail.

Matatandaang si Ong ang nagbunyag na si dating Presidential Economic Adviser Michael Yang ang nagpautang at naging guarantor ng Pharmally kaya sila nakapag supply ng multi- billion pesos na halaga ng medical supplies kahit pa higit P600,000 lang ang kanilang kapital.

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top