Connect with us

Senate Blue Ribbon Committee, nawawalan na ng bisa – Pastor Apollo C. Quiboloy

Senate Blue Ribbon Committee, nawawalan na ng bisa - Pastor Apollo C. Quiboloy

National News

Senate Blue Ribbon Committee, nawawalan na ng bisa – Pastor Apollo C. Quiboloy

Naniniwala si Pastor Apollo c. Quiboloy na nawawalan na ng bisa ang Senate Blue Ribbon Committee sa ginagawa nitong imbestigasyon ukol sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Sa resumption ng hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw ay pinabulaanan ni Senator Risa Hontiveros na nanuhol ito ng empleyado ng Pharmally Pharmaceutical Corporation para tumestigo laban sa pamahalaan.

Ito ay kasunod ng pagsampa ng reklamo ng Pharmally laban sa senadora sa Ombudsman.

Kasong perjury at sedition ang isinampa ng mga ito laban kay Hontiveros.

Sa affidavit ay personal na inamin ni Veejay Almira, isang warehouse worker na 2 beses itong nakatanggap ng P2,500 na ipinadala umano sa gcash mula sa tanggapan ng senadora.

Iba pa aniya ang kaniyang tinanggap na 20,000 at 10,000 mula dito para lamang magsabi ng kasinungalingan at siraan ang gobyerno.

Matatandaan na sa salaysay noon Veejay sa hearing ay sinabi nitong tina-tamper nila ang expiration dates ng mga face shield na binebenta nila sa pamahalaan.

“Wala po akong intensyon na siraan ang kumpanyang aking pinapasukan. Ginawa ko lang po iyon dahil nangako sila ng tulong sa aking anak. Akala po ay lehitimong pagtulong ang ginawa nila, ‘yun pala ay gusto nila akong gawing testigo.”, ani Veejay Almira  ng warehouse worker ng Pharmally ,

Si Pastor Apollo C. Quiboloy ang chairman ng SMNI ay nakapagbigay naman ng komento hinggil sa napakahabang hearing na ginagawa ng Senate Blue Ribbon.

Sa pananaw ng butihing Pastor ay wala nang bisa ang ginawa ng komite dahil wala namang nagyayari sa mga imbestigasyon nito.

Matatandaan na binuksan ng Blue Ribbon ang pagdinig dahil sa isyu ng mismanagement ng COVID-19 funds.

“Wala na, wala nang bisa ‘yang senate blue ribbon committee investigation, nakalimutan na ng tao kasi ang tagal-tagal na eh. Wala namang nangyayari. Sa lahat ng blue ribbon committee investigation, walang record na nakasuhan eh. Walang record na napabilanggo. “

So, in aid of ano ‘yan… Legislation? O, malapit na ang election, in aid of election. Wala eh. Sawa na ang tao. Kumupas na. Pagka ang tao nagsawa, kahit anong gagawin mo diyan, hindi ka na papansinin,” ang pahayag ng butihing pastor.

Sinabi pa ni Pastor Apollo sa hearing na ito na nakakaawa lamang ang mga senador dahil hindi naman nila kayang takpan ang ginagawa ni Pangulong Duterte.

“Rumesbak pa itong Pharmally, edi kasu-kaso sila diyan. Pero, wala na, hindi mo na naririnig ‘yung Senate Blue Ribbon Committee, wala na. Nawalan sila ng bisa.”

“Kasi hanggang sa katapus-tapusan parang lemon ba na piniga para lang malagay sa tv. Eh, wala eh. Hindi nangyari eh. Hindi natakpan ang ginagawa ng ating pangulo.”

Kawawa naman itong mga senador natin”, saad ni Pastor Apollo.

More in National News

Latest News

To Top