Connect with us

Senate Blue Ribbon committee, namumulitika lang ayon kay Pang. Duterte

Talagang namumulitika lang ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon sa mga isinasagawang imbestigasyon

National News

Senate Blue Ribbon committee, namumulitika lang ayon kay Pang. Duterte

Talagang namumulitika lang ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon sa mga isinasagawang imbestigasyon partikular na sa umano’y katiwalian sa Department of Health (DOH).

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang recorded na ulat sa bayan ngayong araw.

Iginiit ng pangulo na hindi makapagpahayag ng katotohanan sa Senado dahil hindi naman aniya pinapatapos na magsalita ang mga opisyal o indibidwal na kinukuwestiyon sa kanilang imbestigasyon.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, hindi makararating sa katotohanan kung puputulin ang pagsasalita ng testigo.

Matatandaan na pinuna ng pangulo ang paraan ng pagtatanong ni Senate Blue Ribbon Chairman Richard Gordon sa mga testigo na hindi pinapatapos ng pagsasalita.

Dahil dito, tahasang sinabi ng pangulo na namumulitika lang ang naturang komite ng Senado.

More in National News

Latest News

To Top