Connect with us

Senador pinasisiguro sa PSA ang maayos na pagpapatupad ng Nat’l Identification System

Pinaalalahanan ni Senator Christopher Bong Go ang  Philippine Statistics Authority na dapat masiguro ang matagumpay na pagpapatupad ng Philipine Identification System  para maiwasan na ang mga fraudulent transactions at misrepresentation at mapabuti na ang paghahatid ng essential government  services.

National News

Sinabi ni Go na long overdue na ang  national identification system kung saan nakita naman ngayong pandemic ang mga gaps  sa paghahatid ng mga services tulad ng Social Amelioration Program (SAP)  na ginamit sa pagbibigay ng tulong sa gitna ng  COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Go na kung naging  fully functional lang sana ang National ID system o Republic Act no. 11055 na nilagdaan ni Pangulong  Rodrigo Duterte para maging ganap na batas noong August 2018 ay posibleng  nabawasan ang mga naging problema sa paghahatid ng tulong.

Nakasaad sa batas na bawat mamamayan gayundin ang mga resident alien ay bibigyan ng  unique at permanent  identification number na kanyang  gagamiting record sa lahat ng  government agencies at upang mabawasan na din ang  pagpapakita pa ng ibang ID.

Inatasan na din ni Pangulong Duterte ang NEDA sa pangunguna ni Acting Secretary Karl Kendrick Chua na pabilisan ang pagpapatupad ng PhilSys.

Binigyang diin ni Go na kumpiyansa siyang  mahalagang component  ang national ID system para makita din ang benepisyo ng e-governance nang mas mabilis, magiging  mas mabisa, mas cost-effective at mas mabilis na pagtugon  sa mga pangangailangan ng sambayanan.

More in National News

Latest News

To Top