Connect with us

Senado, papaiksiin ang break para talakayin ang  2021 National Budget

Tiniyak ni Senador Bong Go maging ang mga kasamahang mambabatas sa Senado na maglalaan ng oras at panahon para sa gagawing pagtalakay ng 2021 Proposed National Budget.

National News

Senado, papaiksiin ang break para talakayin ang  2021 National Budget

Tiniyak ni Senador Bong Go maging ang mga kasamahang mambabatas sa Senado na maglalaan ng oras at panahon para sa gagawing pagtalakay ng 2021 Proposed National Budget.

Ayon kay Bong Go, kung siya ang tatanungin, kapag nagbreak na sa October 17 ay babalik na agad ito ng November 2 para asikasuhin ang budget.

Hindi raw kasi ito ang panahon para magkaroon pa ng recess sa kongreso.

Pero bago ito ay nanawagan si Go sa mga kongresista na ipasa na bukas, Biyernes, ika-16 ng Oktubre ang kanilang house version at itransmit na sa Senado para agad na mapag-aralan.

Muling iginiit ng mambabatas na hindi maaaring isang reenacted budget ang mangyayari sa susunod na taon kaya nagpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte mula Sept. 13 hanggang Sept 16.

Ayon naman kay Health Sec. Francisco Duque ngayon na tumaas na sa 21 % ang proposed budget ng Department of Health (DOH) para sa taong 2021 ay kulang pa nga para sa COVID-19 response, anu pa kaya kung isang reenacted budget ang mangyayari sa susunod na taon?

“It would greatly impact our COVID-19 response. Even if we have already increased [the budget] it is still not enough. What more if it is reenacted?” ani Duque.

Sa ngayon ay nasa P127.28 bilyon ang proposed budget ng ahensya para sa susunod na taon at 3.5 bilyon ang nakalaan para sa pagbili ng potensyal na  bakuna  para sa COVID-19.

Ang nasabing halaga ay kayang pondohan ang bakuna ng mga nasa  3.8 milyon na mga Pilipino.

Maaalala namang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na target niyang mabakunahan ang nasa 20 milyong populasyon ng Pilipino.

Sinabi naman ni Go, ang Chairman ng Senate Committee on Health na baka sa Abril pa sa susunod na taon darating ang ligtas na bakuna kontra COVID 19.

More in National News

To Top