Connect with us

Senado, nakatotal lockdown dahil sa banta ng COVID-19

Kasalukuyang nakatotal lockdown ngayon ang Senado dahil sa banta ng COVID-19.

National News

Senado, nakatotal lockdown dahil sa banta ng COVID-19

Kasalukuyang nakatotal lockdown ngayon ang Senado dahil sa banta ng COVID-19.

Kahapon ng Lunes sa plenary session ay inanunsyo ni Senate President Tito Sotto III na isasailalim sa total lockdown ang Senado kasunod ng pagpositibo sa virus ng isang empleyado mula sa Bills and Index office.

Kaya naman ngayong araw, Martes  ay walang magaganap na session o physical commitee hearings habang isasagawa ang sanitation o pagdisinfect sa buong gusali.

Nakaquarantine na rin ang lahat ng empleyado sa Bills and Index office at walang papayagang sinumang empleyado ang makakapasok ngayon.

Isasara naman sa loob ng 14 na araw ang canteen maging ang executive lounge ng Senado.

Ito ay matapos magpositibo din sa sakit ang tatlong caterer na naka-inhouse.

Sa Miyerkoles, Marso 17, babalik ang sesyon ng Senado.

Ilan naman sa mga highlights na nangayri kahapon;

Niraptipikahan ang Bicam Report para sa panukala na babaan ang miminum height limit para sa mga aplikante ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), and Bureau of Corrections (BuCor).

Sa panukala na inaprubahan ng Kamara at Senado, maari ng mag aplay ang mga lalaki na may 5.2 inches ang height at 5 feet para sa mga babae.

Kahapon ng inadopt din ng Senado ang resolusyon na naghihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng State of National Emergency dahil sa African Swine Fever.

Kasama ang resolusyon na manghihikayat din sa Presidente na huwag payagan ang rekomendasyon ng DA na babaan ang taripa habang tinataaasan ang MAV o ang Minimum Access Volume sa mga Imported Products

More in National News

Latest News

To Top