Connect with us

Senado, nagkasundo na ang pamahalaan ang hahawak ng Hanjin

NAGKASUNDO

National News

Senado, nagkasundo na ang pamahalaan ang hahawak ng Hanjin

NAGKASUNDO ang mga senador na i-take over na lamang ng gobyerno ang naluging Hanjin Heavy Industries and Construction Company-Philippines (HHIC-Phil).

Ito ay matatagpuan sa Subic Bay, Zambales.

Iminungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na gobyerno na lamang ang magpatakbo ng Hanjin.

Para mapakinabangan ng sandatahang lakas ang mga pasilidad ng naturang kumpanya sa paggawa ng mga barko.

Sinang-ayunan naman ito nina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri at Defense Committee Chairman Sen. Panfilo Lacson.

Hinimok ni Zubiri ang gobiyerno na kumuha ng local partners sa halip na foreign partners pa ang maging kasosyo ng pamalaan sa Hanjin.

Inamin naman ng DND na ilang portion lamang ng Hanjin ang kaya nilang i-take over.

Subalit kinakailangan nila ng partners para muling mai-operate ito.

Pinaaamiyendahan naman ni Lacson ang batas sa Train Law para ang ilang bahagi ng makokolekta rito ay ilaan sa DND.

DZAR 1026

More in National News

Latest News

To Top