Connect with us

Senado, handang sagutin ang petisyon na inihain ni Linconn Ong

Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Senado at ang Senate Blue Ribbon Committee kasunod ng inihaing petisyon na si Linconn Ong.

National News

Senado, handang sagutin ang petisyon na inihain ni Linconn Ong

Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Senado at ang Senate Blue Ribbon Committee kasunod ng inihaing petisyon at temporary restraining order ni Pharmally pharmarceutical corporation director na si Linconn Ong.

Sa petisyon ay kinuwestyon ni Ong ang ginawang pag-contempt at pagpapakulong sa kaniya ng Senate Blue Ribbon Comittee.

Hiniling din ni Ong sa Korte Suprema na mapahinto at mapawalang-bisa ang naging desisyon sa kaniya ng komite na isa umanong paglabag sa Saligang Batas.

Batay aniya sa nakasaad sa Section 21, Article 6 ng Saligang Batas na dapat igalang ang karapatan ng mga taong humaharap sa mga pagdinig ng kongreso.

Nalabag aniya ang kaniyang karapatan para sa due process.

Respondents sa petisyon ni Ong sina Senate President Tito Sotto III, Senate Blue Ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, at Senate Sergeant-at- Arms Rene Samonte.

Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema, ang mga respondents ay binibigyan ng sampung araw para makapagpaliwanag.

“Good afternoon, ma’am @she navarro. May we get a statement po from Sen. Gordon on this? The SC has asked the senate to answer the petition filed by Pharmally Director Linconn Ong’s petition questioning his continued detention, ” saad ni Atty. Brian Hosaka.

“Those who are asking… as per chief Justice Alexander G. Gesmundo, the respondents in the petition filed by Linconn Ong were required by the court to file their comment to the main petition and prayer for tro.”

Sinabi naman ni Senate President Tito Sotto na nakahanda silang sagutin ang petisyon ni Ong.

More in National News

Latest News

To Top