Connect with us

Sen. Risa Hontiveros, itinangging nanuhol ng testigo laban sa Pharmally

Todo tanggi si Senador Risa Hontiveros sa alegasyong ng kampo ng kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corp. na nagsasabing nanuhol

National News

Sen. Risa Hontiveros, itinangging nanuhol ng testigo laban sa Pharmally

Todo tanggi si Senador Risa Hontiveros sa alegasyong ng kampo ng kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corp. na nagsasabing nanuhol ang kanyang tanggapan ng isang testigo para humarap sa imbestigasyon ng Senado.

Ito’y kasunod ng pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Pharmally Director Lincoln Ong, na nanuhol ng pera ang senadora kapalit ng testimonya ng isang witness para patunayan na ang ibinentang faceshield ng Pharmally ay sira na.

Dagdag pa ni Topacio, ang kasama ng sinuhulang warehouse worker ng Pharmally ang naglantad din sa suhulang nagaganap na umano’y para siraan ang pharmally at ang opisyal nito na si Krizle Mago.

Sa pahayag ni Hontiveros, wala umano silang kahit anong track record ng panunuhol ng testigo dahil inaalagaan nila ang lahat ng mga witness at whistleblower.

Samantala, nakahanda naman aniya si Hontiveros na harapin ang kasong posibleng isasampa ng kampo ng Pharmally laban sa kanya at sa kanyang mga staff na nasasangkot sa isyu.

 

More in National News

Latest News

To Top