Connect with us

Sen. Revilla, abswelto na sa kasong plunder

Nagpaabot nagpasasalamat si Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. sa publiko na patuloy na nagmahal, nanalangin, at nagbigay ng tiwala at suporta sa kanya.

National News

Sen. Revilla, abswelto na sa kasong plunder

Nagpaabot nagpasasalamat si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa publiko na patuloy na nagmahal, nanalangin, at nagbigay ng tiwala at suporta sa kanya.

Ito ang reaksyon ng senador matapos ibasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder kaugnay sa alegasyong pagkakasangkot nito sa ‘pork barrel scam.

“Maraming salamat din po sa lahat ng patuloy na nagmahal, nanalangin, at nagbigay ng kanilang tiwala at suporta. Thank you to my family who are always by my side, and everyone who were on the side of truth.

Ayon kay Revilla, sa walong taong nakalipas ay tuluyan na nitong nakamit ang katotohan at ang hustisya.

No photo description available.

Dagdag pa ng senador na nagpapahiwatig lamang ito na lahat ng akusasyong ibinabato laban sa kanya ay walang basehan at hindi na kailangan pang depensahan ang kanyang sarili at magbigay ng ebidensya.

Sa kanyang inilabas na pahayag, aniya, “The Sandiganbayan, by granting our Demurrer to Evidence and dismissing all the charges against me, validates what we have known from the very beginning – that all the accusations against me have no basis and any leg to stand on. Nakita po ng Korte na walang basehan ang mga akusasyon sa akin. Hindi ko na nga kinailangan pang depensahan ang aking sarili at magbigay ng aming ebidensya. Sa mga isinumite pa lamang ng prosekusyon ay wala silang napatunayan.”

“I am not, and never have been involved in graft and corruption. This is the reason why I did not run; I did not hide; and did not evade the judicial system. I put my trust and my life in our Courts.”

“I faced everything head on. Sa kabila ng pagwasak sa aking pangalan at pagkatao, hinarap kong lahat ng buong-buo dahil alam kong hindi mababago ang katotohanang ako ay naging biktima lamang ng masamang pulitika.”

Sa huli sinabi ng butihing senador na malaya na siyang makapalingkod sa bansa at sa bayan na wala ng manggugulo.

“The truth has come out. Now, I can move forward to serving our nation and our people even further, free of this nuisance,” saad pa nito.

 

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top