Sen. Recto pabor sa paggamit ng libro sa online classess

National News

Mas mainam pa rin ang paggamit ng libro dahil  mas matututo ang mga bata.

Tutol si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa napipintong pagbili ng pamahalaan ng transistor radio na magiging dagdag na stratehiya sa pagpasok ng bansa sa new normal na educational system, ang online education.

Sa isang pahayag, sinabi ni Recto na mas kakailanganin ang kumpletong textbooks para sa online classes ng mga estudyante.

Bukod kasi sa may kakulangan sa internet connection, walang laptop na gagamitin, at mahina ang signal ng cellphone habang ang iba naman ay walang pambili ng  gadget.

Ani Recto, “Broadband learning does not cancel the need for books. On the contrary– it makes it imperative. Hindi ibig sabihin na dahil via internet na, wala nang instructional materials”.

Katuwiran ni Recto, mas mahirap sa ikakasang online learning kung wala ng broadband, wala ng signal at wala pang libro.

Batid ni Recto na hindi na sakop ng Department of Education (DepEd) ang isyu sa internet speed ngunit saklaw nila ang pamamahagi ng mga libro.

“If we can print money, why can’t we print books? The ones public school students are using cost as little as P50.00 Kung may perang pang transistor radios, dapat mayroon ding pang libro”.

Samanatala, Binanggit din ni Recto na sa mga nakalipas na mga taon, simula 2017 bumaba ang inilaang budget ng pamahalaan para sa mga libro, mula sa P3 billon bumaba na ito sa P963 million.

Nauna namang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na isasali sa online classes ang paggamit ng transistor radio at maging ang telebisyon para sa pagkatuturo sa mga bata.