Connect with us

Sen. Pimentel, nanawagan ng ‘ceasefire’ sa away pulitika sa PDP-Laban

Sen. Pimentel, nanawagan ng 'ceasefire' sa away pulitika sa PDP-Laban

National News

Sen. Pimentel, nanawagan ng ‘ceasefire’ sa away pulitika sa PDP-Laban

Nanawagan ngayon si Senator Koko Pimentel ng ‘ceasefire’ sa kanyang partidong PDP-Laban.

Ayon kay Pimentel, dapat bumalik na ang lahat sa pagtutok sa mga prayoridad ng bansa tulad ng pagsugpo sa pandemya sa gitna ng banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon naman kay Senador Richard Gordon, sa halip na ang nangyayari sa loob ng PDP-Laban ang tutukan ng mga mamayan ay mas mainam na ang pagsugpo sa COVID-19 ang dapat na atupagin ng publiko.

Samantala, nilinaw din ni Gordon na bilang senate Blue Ribbon Committee chairman, mas prayoridad niya ang pagtulong sa COVID-19 response ng pamahalaan kaysa sa inihaing resolusyon ni Senator Manny Pacquiao hinggil sa mga isyu ng umano’y korupsiyon ng ilang ahensya ng gobyero.

Matatandaan na kamakailan ay opisyal na nang naghain si Pacquiao ng resolusyon para maimbestigahan sa Blue Ribbon Committe ang mga kurap na ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

More in National News

Latest News

To Top