Connect with us

Sen. Pimentel, iginiit na mananatili ang tinanggal na mga opisyal ng PDP-LABAN

Hindi maaapektuhan ng isinagawang eleksyon kamakailan lang ng PDP-LABAN sa kasalukuyang istruktura ng partido.

National News

Sen. Pimentel, iginiit na mananatili ang tinanggal na mga opisyal ng PDP-LABAN

Hindi maaapektuhan ng isinagawang eleksyon kamakailan lang ng PDP-LABAN sa kasalukuyang istruktura ng partido.

Ito ang binigyang-linaw ni Senator Koko Pimentel kasunod ng pagkakatanggal nito sa posisyon bilang executive vice chairman ng partido at maging si Senator Manny Pacquiao bilang presidente ng partido.

Giit ni Pimentel, iligal ang nangyaring pagpupulong at eleksyon ng partido.

Magsasagawa rin aniya ng national assembly ang partidong PDP-Laban sa ilalim ng kanilang pamumuno ni Pacquiao kung saan magkakaroon din aniya ng eleksyon ng mga bagong party officials.

Samantala, hindi na bago ang gusot sa pagitan ng mga miyembro ng PDP-Laban.

Unang nangyari ang pagkakahati ng partido sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino noong 1988 na sinundan naman noong 2014 nang umalis sa partido si dating Vice President Jejomar Binay.

Itinatag ang PDP-Laban nina dating Senators Aquilino ‘Nene’ Pimentel  at Benigno Aquino Jr. noong 1983.

Dumagsa naman ang mga pulitikong umanib sa partido noong 2016 nang tumakbo at nanalo sa pagkapresidente si Pangulong Rodrigo Duterte.

More in National News

Latest News

To Top