Connect with us

Sen. Pangilinan, sinampahan ng kasong cyber libel ang 2 vlogger at Google manager

Inireklamo ng cyber libel ni Senador Kiko Pangilinan ang 2 vlogger at isang country manager ng Google.

National News

Sen. Pangilinan, sinampahan ng kasong cyber libel ang 2 vlogger at Google manager

Inireklamo ng cyber libel ni Senador Kiko Pangilinan ang 2 vlogger at isang country manager ng Google.

Partikular sa sinampahan ng kaso ni Pangilinan sa Department of Justice (DOJ) cybercrime office ang mga nasa likod ng youtube channel na “Latest Chika” at “Scarlet” at ang country manager ng Google PH.

Kaugnay ito sa umano’y libelous statements sa videos ng mga ito na sinasabing sinasaktan niya ng physical at inaabuso ang asawang si Sharon Cuneta at umano’y mayroong third party sa kanilang pagsasama.

Maging ang sinasabing naghain ng criminal case laban sa kanya ang asawa dahil sa physical injuries.

Ayon kay Pangilinan, lahat ng contents ng videos ay hindi totoo at walang basehan at intensyon na sirain ang kanyang reputasyon bilang senador, public servant at isang asawa.

Sinabi ng senador na napagdesisyonan niya na magsampa ng kaso dahil sobra na ang pag-atake sa kanyang pamilya.

Kaugnay nito, nanawagan si Pangilinan sa social media users na huwag magkalat ng fake news at sa mga social media platforms na gumawa ng aksyon ukol dito.

More in National News

Latest News

To Top