National News
Sen. Pacquiao, posibleng tatakbong independent sa 2022 elections
Handang tumakbo bilang independent candidate sa nalalapit na 2022 si Senator Manny Pacquiao.
Ito ay kapag hindi papanigan at kikilalanin ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang paksyon sa PDP-LABAN.
Ito ang kinumpirma ni Ron Munsayac, executive director ng PDP-LABAN sa kampo ni Pacquiao.
Gayunman, nangako aniya si Pacquiao na hindi nito iiwan ang partido maging ang mga political party na nagpahayag ng suporta sa kanya sa nalalapit na halalan.