Connect with us

Sen. Pacquiao, hindi bukas sa pagka-bise presidente sa 2022

National News

Sen. Pacquiao, hindi bukas sa pagka-bise presidente sa 2022

Hindi bukas na tumakbo bilang bise presidente sa 2022 elections si Sen. Manny Pacquiao.

Sa isang panayam, sinabi ni Pacquiao na tatlo lang ang kanyang pagpipilian at ito ang pagtakbo bilang pangulo, pagka-senador o magretiro nalang sa politika.

Ayon kay Pacquiao, naniniwala kasi siyang hindi sya maging effective kung bise presidente lang ang kanyang tatakbuhan sa 2022 elections.

Aniya, hindi nya magagawa ang lahat na gusto nyang reporma para sa bansa kung hanggang bise presidente lang siya.

Ikinababahala rin nito kung sino na lang umano ang totoong makikipaglaban para sa mga Pilipino na walang halong interes.

Siya raw kasi ang uri nang taong may malaking dedikasyon para sa Pilipinas kaya bagama’t wala pa itong pinal na desisyon para sa nalalapit na halalan, mas mainam na sa pagka-pangulo nalang ang kanyang tatakbuhan kung sakali.

Samantala, nilinaw ni Pacquiao na nakipag-usap sa kanya si Manila Mayor Isko Moreno at Vice President Leni Robredo subalit puro tungkol lang aniya sa isyu ng bayan ang kanilang tinalakay lalong-lalo na ang sa pandemya.

More in National News

Latest News

To Top