Connect with us

Sen. Pacquiao, determinadong tatakbo sa pagkapangulo – Lacson

Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na determinado si Sen. Manny Pacquiao sa pagtakbo para sa pagkaPangulo sa taong 2022

National News

Sen. Pacquiao, determinadong tatakbo sa pagkapangulo – Lacson

Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na determinado si Sen. Manny Pacquiao sa pagtakbo para sa pagkapangulo sa taong 2022.

Ito aniya ang sinabi sa kaniya ni Pacquio sa isang pag uusap nila sa Senado.

Sa katunayan pa aniya ay inalok siya ni Pacquiao na maging running mate nito para sa darating na halalan.

Dahil naman hindi pa tiyak ang pagtakbo ni Lacson sa national elections, ay sinabihan nito  si Pacquiao na ikunsidera si Senate President Tito Sotto III na maging running mate nito kung tatakbo sa pagkapangulo.

Ayon sa senador pangalawa na si Pacquiao na nagalok sa kaniya na maging running mate para sa 2022.

Samantala,tiniyak ni Senator Manny Pacquiao na tuloy ang laban nito kay Errol  Spence Jr. sa buwan ng Agosto.

Sa isang pahayag ay sinabi nito na patungo na ito ng Amerika ngayong Sabado, July 2 para sa naturang laban.

“Tuloy ang aking laban at nakatakda akong umalis ngayong weekend par kunga bigyan ng dangal ang ating bansa. Masaya ako kapag nagkakaisa ang lahat ng Pilipino para manood ng bawat laban ko,”saad ng boksingero.

Sinabi naman ng presidente na sa halip na ang boxing ang atupagin ng senador ay simulan nito ang pagiimbestiga sa sinasabi nitong mga kurap na ahensya.

” I expect him to sit in Congress, do not go anywhere, finish and find out the corruption that you are talking about. Eh kung mag-report ka lang, dalawa, isang buwan, then I would say that  you are a s***. A s*** is a s***. Magtrabaho ka, hiningi mo ‘yan,nandiyan yong mga papel, start investigating. Do not go elsewhere.”

Sa isang pahayag ay sinabi naman ng senador na  mas dapat na  pagtuunan ngayon ng gobyerno ang problema ng bansa.

Gaya na lamang aniya ang pagputok ng Bulkang Taal ngayon.

More in National News

Latest News

To Top