Connect with us

Sen. Lacson, pinauubaya sa CA ang pagkilatis sa tatlong incoming COMELEC officials

Sen. Lacson, pinauubaya sa CA ang pagkilatis sa tatlong incoming COMELEC officials

National News

Sen. Lacson, pinauubaya sa CA ang pagkilatis sa tatlong incoming COMELEC officials

Hindi mapigilan na maglabas  ng pahayag si Sen. Panfilo Lacson kaugnay sa nalalapit na pagre-retire ng tatlong matataas na opisyal ng Commission on Elections (COMELEC).

Sa inilabas na pahayag sa media, tila dismayado si Lacson sa kapangyarihan na ipinagkaloob ng Saligang Batas na magtalaga ng commissioners sa COMELEC si Pangulong Rodrigo Duterte bago ang halalan sa Mayo.

“Unfortunately, our constitution gives the president the sole power to appoint the commissioners of the Commission on Elections (Comelec)”, Sen. Panfilo Lacson.

Bago ang eleksyon ay inaasahan na mapapalitan sina COMELEC Chair Sheriff Abas, Comm. Rowena Guanzon at Comm. Antonio Kho Jr.

“That said, the appointees are subject to the confirmation of Congress through the Commission on Appointments (CA), where the voice of the people may be represented as “oppositors,” aimed at possible rejection of the appointees of nominees.”

Matatandaan na si Guanzon ang natitirang commissioner na appointee ni dating Pangulong Benigno Aquino III, habang ang iba ay itinalaga na ni Pangulong Duterte.

Sa kabila nito, tiwala si Lacson na ang itatalaga ng pangulo na kapalit ng mga magreretiro ay dadaan sa CA na posibleng mauwi sa rejection ng mga appointees.

Kaugnay nito, inirerekomenda ni Lacson na tumulong sa pamahalaan ang ilang opisyal ng gabinete ng P-Noy administration.

More in National News

Latest News

To Top