Connect with us

Sen. Lacson, kuntento sa report at rekomendasyon ng Task Force Philhealth

National News

Sen. Lacson, kuntento sa report at rekomendasyon ng Task Force Philhealth

Kuntento si Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson sa kinalabas ng report ng Task Force Philhealth.

Natutuwa ang senador na nagamit ng DOJ ang kanilang mga materyal o dokumento sa kanilang ginawang pagdinig sa Senado laban sa Philhealth.

Matatandaan na sa report ng Task force Philhealth na ang mga nasa ExeCom ang pinasasampahan ng kaso ng DOJ.

Tikom naman ang bibig ni Lacson sa isyung hindi naisama ng DOJ sa listahan si health Sec. Francisco Duque III.

Matatandaan na noon pa lamang ay hindi kumbinsido si Lacson na maaring sampahan ng kaso ang kalihim dahil sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) funding.

 

More in National News

To Top