Connect with us

Sen. Lacson at Sotto, pinayuhan si Pacquiao na magpalabas ng konkretong ebedensya sa kaniyang ibubunyag

Pinayuhan nina Senate Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto III si Manny Pacquiao na tiyakin na konkreto ang mga ebedensya sa kanyang isisiwalat.

National News

Sen. Lacson at Sotto, pinayuhan si Pacquiao na magpalabas ng konkretong ebedensya sa kaniyang ibubunyag

Pinayuhan nina Senate Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto III si Manny Pacquiao na tiyakin na konkreto ang mga ebedensya sa kanyang isisiwalat.

Ayon kay Lacson, kung walang magiging basehan ang mga ibubunyag  ng senador ay ito aniya ang tatatak sa mga tao.

“Our advice to him was to make sure the evidence he has is substantial, because if just one item in his expose turns out to be lacking or baseless, that is what the public will remember,” ani Lacson.

Matatandaan na tinanggap ni Pacquiao ang hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapalabas ito ng listahan ng mga kurap na ahensya.

Sabi rin ng senador na meron itong mga ebedensya sa kaniyang alegasyon dahil mismong ang mga taong naglilikod sa mga kurap na opisina ang nagrereport sa kaniya.

Sa kabilang banda, ikinalulungkot naman ni Sen. Lacson na ang magkaalyado na sina Pang. Duterte at Pacquiao ay may Word War ngayon.

“IT IS SAD sad to see two allies and friends have this word war in public. I hope they can stick to the issues and not make their word war become personal.”

Matatandaan na  sa kanyang pagdalo sa inagurasyon ng LRT-2 Extension ay ganito naman ang patutsada ng Pangulo kay Sen. Pacquiao.

“You know, when you are a champion in boxing, it does not mean to say that you are a champion in politics.”

Ayon pa sa pangulo dahil ang senador ang nagsabi na lumalala ang korupsiyon sa kaniyang termino ay kailangan itong patunayan ng senador.

“Siya ‘yong may sabi may corruption so it is his burden to identify the office,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top