Connect with us

Sen. Gordon, pinag-iisipang kakandidato sa 2022 presidential election

Inamin ni Sen. Richard Gordon na kinokunsidera nito ang muling pagtakbo sa pagkapresidente sa darating na 2022 elections.

National News

Sen. Gordon, pinag-iisipang kakandidato sa 2022 presidential election

Inamin ni Sen. Richard Gordon na kinokunsidera nito ang muling pagtakbo sa pagkapresidente sa darating na 2022 elections.

Ayon kay Gordon ito ang pinagaaralan nito sa ngayon at humihingi na aniya ang senador ng payo hinggil sa maari niyang pagtakbo.

Matatandaan na noong 2010 ng unang tumakbo sa pagkapangulo ang senador pero natalo sa eleksyon.

Sinabi naman nito na walang siyang dapat ikahiya sa kaniyang pagiging public servant dahil bilang humanitarian at mambabatas ay maganda naman aniya ang record at ang performance nito.

Sa kasalukuyan ay pinuno ng Senate Blue Ribbon, Committee on Justice and Human Rights at Government Owned and Controlled Corporations ang naturang senador.

Ang senador din ang Chairman ng Philippine Red Cross.

Sa isang pinakabagong Pulse Asia Survey ay pang 11th si Gordon sa mga pinagpipilian na maaring kumandidato sa 2022.

Ayon naman kay Gordon ang tanging kailangan ngayon ng bansa ay isang lider na magbibigay inspirasyon sa mga Pilipino para magtiwala sa kaniyang sarili.

More in National News

Latest News

To Top