Connect with us

 Sen. Gordon, kinumpirma ang pagbigay ng PDAF sa PRC

Kinumpirma ni Senator Richard Gordon na naibigay niya sa Philippine Red Cross (PRC) ang ilang bahagi ng kaniyang PDAF noong taong 2010.

National News

 Sen. Gordon, kinumpirma ang pagbigay ng PDAF sa PRC

Kinumpirma ni Senator Richard Gordon na naibigay niya sa Philippine Red Cross (PRC) ang ilang bahagi ng kaniyang Priority Development Assistance Fund (PDAF)  noong taong 2010.

Ito ay kasunod ng pagbubulgar ni Pang. Rodrigo Duterte na ipinark ng senador ang kaniyang P88M na PDAF sa PRC.

Pero giit ni Gordon, liquidated at aprubado daw iyon ng DSWD at hindi rin aniya na-flag ng COA.

Apela naman ng Senador kay Pangulong Duterte na siya na lamang ang atakehin ng presidente at huwag na raw idamay pa ang PRC.

Maalala na kinuwestyun ni Pang. Duterte si Gordon kung nakatanggap ba ito ng P88-M na pondo mula sa pork barrel sa Philippine Red Cross na pinamumunuan nito.

Ayon kay Pang. Duterte, wala siyang nakita kundi ang involvement ni Gordon sa nakulong na si Janet Lim Napoles.

Dagdag pa ni Pang. Duterte may mga taga-red na nagsasabi na may nakuhang pera si Gordon sa kanyang transaksyon kay Napoles.

Humihingi naman ng tawad si Pang. Duterte kung hindi ito totoo ngunit kung totoo dapat itong sagutin ni Gordon.

 

Matatandaang, naging senador si Gordon mula 2004 hanggang 2010 at bumalik sa Senado noong 2016.

More in National News

Latest News

To Top