Connect with us

Sen. Go, nanawagan sa mga komunista na sumuko na sa gobyerno

Personal na nanawagan si Senator Christopher Bong Go sa mga natitira pang miyembro ng CPP- NPA- NDF na kasalukuyang naninirahan sa kabundukan na magbalik loob na para sa mas maayos na pamumuhay at mapayapang bayan.

National News

Sen. Go, nanawagan sa mga komunista na sumuko na sa gobyerno

Personal na nanawagan si Senator Christopher Bong Go sa mga natitira pang miyembro ng CPP- NPA- NDF na kasalukuyang naninirahan sa kabundukan na magbalik loob na para sa mas maayos na pamumuhay at mapayapang bayan.

Ito’y matapos tanungin ang mambabatas kaugnay sa patuloy na paghihimagsik ng mga komunistang grupo para pabagsakin ang Administrasyong Duterte sa pakikipagtulungan nito sa sinasabing legal front groups gaya ng Kabataan partylist, Anakbayan, Anak Pawis, Gabriela at iba pang makakaliwang grupo.

Ani Go, ikinalulungkot at ikinadudurog ng kaniyang puso na ang kapwa Pilipino na ang nagpapatayan dahil sa iba’t ibang ideolohiya at paniniwala.

Muling iginiit ng mambabatas na hindi aniya sagot ang patayan at pag-aaklas laban sa gobyerno, bagkus nakiusap ito na igalang ang pagiging pangulo ni President Rodrigo Duterte na inihalal ng taumbayan.

Samantala, pinabulaanan naman ng senador ang kumakalat na propaganda na sinasabing binayaran ng gobyerno ang paglantad ng mga dating kadre at kasapi ng CPP- NPA- NDF para kalabanin ang dati nitong grupo.

Ayon kay Go, naniniwala siya sa kakayahan ng pamahalaan para alamin ang bawat motibo sa bawat paglantad ng mga ito.

Matatandaang halos sunud-sunod na ang paglabas ng mga miyembro ng CPP- NPA- NDF para maglahad ng testimonya sa mga karanasan at mga masasamang plano ng komunistang grupo para pabagsakin ang gobyerno.

Ilan sa mga pangalan na magiging ngayon na kumakampi sa pamahalaan ay sina Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Noel “Ka Efren” Legaspi, former deputy CPP Regional Party Committee Member in Far South Mindanao Region, Joy James “Ka Amihan” Saguino, at  Secretary of Guerilla Front 20 Under Sub-Regional Committee 1 of Southern Mindanao Region Ivy “Ka Ives” Lin Corpin.

Maaalala na sa mga nauna nitong panayam, naniniwala si Senator Go na mananaig ang kapayapaan laban sa mga makakaliwang grupo bago ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte.

More in National News

Latest News

To Top