Connect with us

Sen. Go, namahagi ng tulong sa mga market vendors sa Cainta, Rizal

National News

Sen. Go, namahagi ng tulong sa mga market vendors sa Cainta, Rizal

Personal na dinalhan ng tulong ni Senator Christopher Bong Go  ang mga market vendors ng Cainta Rizal.

Ilan sa mga bitbit na tulong ni Go at ng kanyang mga staff ang pagkain, food packs, face masks at face shields sa 980 public market vendors na isinagawa sa One Arena Cainta kaugnay pa rin sa COVID-19 pandemic.

Posted by Bong Go on Saturday, 17 October 2020

Maliban dito, ilan din sa mga masusuwerteng beneficiaries ang nabigyan ng libreng bisekleta at tablet gadget naman  sa mga may  anak na magagamit sa kanilang pag-aaral.

Pinaalalahanan naman ni Go ang mga vendors na  mahigpit na sundin  ang mga health protocols para mapangalagaan din nila ang kanilang mga sarili habang naghahanap-buhay lalo na at patuloy ang peligro ng COVID-19.

Samantala, dahil sa patuloy na pagiging tulay ni Go, napakiusapan din niya ang DSWD, DTI   at ang Department of Agriculture para maghatid din ng tulong   sa mga nangangailangan sa lugar.

Bago ang pagharap ni Go sa mga vendors ng Cainta, pinasinayaan   din niya ang  ika-87 Malasakit Center sa Bagong Cainta Municipal Hospital.

More in National News

Latest News

To Top